Alden natupad ang pangarap nung Valentine’s Day

February 16, 2019
Alden Richards

KAHIT man lang sa 'Eat Bulaga' ay hindi nagkasama  sina Alden Richards at Maine Mendoza nung Valentine’s Day presentation ng programa. Two days before Valentine’s Day ay lumipad si Alden patungong Iceland kasama ang VP for Creative ng EB na si Jenny Ferre habang si Maine naman ay kadarating lang the night before from America kung saan sila nagkita (at nagkasabay pabalik ng Pilipinas?) ng kanyang rumored boyfriend, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Tiyak na masaya ang Valentine’s celebration ni Maine dahil magkasama sila ni Arjo pero kakaiba naman ang pakiramdam ni Alden dahil  natupad ang isa sa kanyang bucket list,  ang masaksihan ang Northern Lights o Aurora Borealis sa Iceland.

Malapit na ang ika-24 birthday ni Maine on March 3 at inaabangan na ang surprise gift para sa kanya nang panganay ng mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez na si Arjo.

Ang AlDub Nation naman ay nagkakasya na lamang na makita sina Alden at Maine na magkasama sa “Eat Bulaga”.  Pero umaasa pa rin ang mga fans na sana’y makagawa pa rin ng project ang dalawa either sa pamamagitan ng pelikula o teleserye na matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa.