Alden, tuloy ang guesting sa sitcom ni Maine

February 23, 2019

Mainit pa rin ang usapin sa paggawa ni Alden Richards ng pelikula sa Star Cinema kapareha si Kathryn Bernardo. Kahit wala pang kumpirmasyon, marami na ang excited.

Majority ang nagwi-wish na matuloy ang pagtatambal ng dalawa para lang ibang tambalan naman ang mapanood.

Hindi pa natatanong sina Alden at Kathryn sakaling matuloy ang pagtatambal nila sa pelikula, pero kung mababasa ng kampo ng dalawa ang comments na mas marami ang positive, gugustuhin nilang matuloy ang pelikula.

May ilang negative comments, pero kung ’yun ang iisipin ng nasa likod at nakaisip na pagsamahin sina Kathryn at Alden, hindi mabibigyan ng chance ang moviegoers na makapanood ng ibang tambalan.

Samantala, masaya ang AlDub fans dahil tuloy na ang guesting ni Alden sa Daddy’s Gurl, ang sitcom nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola.  

Sa February 28 na ang taping ni Alden sa sitcom at sa March ang airing. Pero sabi ni Director Chris Martinez, hindi birthday episode ni Maine ang airing ng sitcom.

Sabi niya: “Enough of all the speculations na ayaw ni ganito, ayaw ni ganyan. Walang ganu’n. Okay? I am just so thankful -- it’s happening sooner than you think.”

Samantala, masusundan ang Iceland trip ni Alden dahil kasama siya sa dabarkads ng Eat Bulaga na bibiyahe pa-Holy Land sa Holy Week.

Hindi pa alam kung sino ang ibang makakasama sa mga taga-EB sa treat na ito ni Tony Tuviera.