Alex humihingi ng panalangin para sa pamilya sa Italy

March 23, 2020
Alessandra de Rossi

ANG magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi ay Filipino-Italian actresses at ang tunay nilang apelyido ay Schiavone.  Ang kanilang ina  na si Nenita ay isang Filipina at Italian naman ang kanilang ama na si Luigi Schiavone.

Magmula nang pasukin nina Assunta at Alex (palayaw ni Alessandra) ay nanatili na sa Pilipinas ang magkapatid habang naiwan naman sa Italy ang kanilang parents at dalawang nakababatang kapatid na sina Margherita (Maggie) at Isabel.

Dahil sa COVID-19 outbreak in Italy and the rest of the world including the Philippines, worried si Alex  para sa kanyang pamilya dahil halos limang libo na ang namatay dahil sa coronavirus pandemic.

Humihingi si Alex ng dasal para sa kanyang pamilya in Italy lalung-lalo na ang kanyang amang si Luigi dahil nasa Canada umano ang kanyang inang si Nenita.