Alex, kinuyog ng netizens sa ‘fake news’ tweet

April 05, 2020
Alex Gonzaga

TRENDING si Alex Gonzaga sa Twitter dahil sa tweet niya two days ago na napatunayan ng mga netizens na “fake news.”

Nag-tweet si Alex ng forwarded message sa kanya na nagsasaad na sa grocery nakukuha ang COVID-19 at nagbigay ng tip kung paano idi-disinfect ang canned goods.

“Forwarded message: So far ang trend sa hospitals now is sa grocery nakukuha ang CoVid-19, so if kayang magbulk-buy, yun na yung gawin. Then paki disinfect mga nabili delata etc.1:9 ratio chlorox n water. 1 cup chlorox 9 cups water. Paki share na lang,” ang tweet ni Alex na binura niya eventually.

Naglabas ng advisory ang PGH last April 4 na maling impormasyon na sa groceries nakukuha ang virus dahil ang dalawa raw risk factors ay ’yung may travel history sa mga lugar na may COVID-19 cases at close contact with COVID-19 patients.

“We encourage everyone to verify posts on social media and believe only the ones shared from official channels,” parte pa ng advisory ng PGH.

Bukod dito, napatunayan din ng netizens na mali ang tips na ibinahagi ni Alex in disinfecting canned goods dahil masama raw sa health ang ganu’ng procedure.

Kaya naman niresbakan si Alex ng netizens for spreading false information, dahilan para mag-trending siya.

“Hello @Mscathygonzaga, you have 2M++ followers, i hope before you post something that has been forwarded to you, you may want to consider the ff: 1. Contemplate on the msg first 2. If you didn’t understand, try to ask 3. Or verify the info first.

“YOU’RE NOT HELPING SA TOTOO LANG,” tweet ng isang netizen.

In fairness kay Alex, nag-apologize naman siya at binura agad ang tweet.

“Hi yes! Sorry i deleted it na! It was forwarded kasi from a friend na may contact sa doctors. Pasensya na,” ang reply ni Alex sa netizen na nag-call ng kanyang atensyon.

Komento pa ng isang netizen, “23k people liked that dangerous tweet by Alex Gonzaga encouraging the use of a 0.5% bleach solution to wipe GROCERY ITEMS. CDC classifies it as a solution that requires you to use a mask, goggles & 2 PAIRS of gloves that should only be used in highly contaminated surfaces.”

Marami pang panlalait na sinabi ang mga netizens kay Alex. Tinawag siyang papansin, pabida, annoying at kung anu-ano pa.

Pero marami rin namang nagtanggol sa aktres/vlogger dahil nag-apologize na naman daw ito and accepted her mistake.

“I know Alex Gonzaga already apologized guys. She helped a lot of our fellowmen in this trying time, how about you? What did you contribute in this crisis aside from riding the hate trains?? Grow up and get a life,” pagtatanggol ng isang netizen.