Alex nagdiwang ng birthday na wala si Mikee

April 20, 2020
Mikee Morada and Alex Gonzaga

KAARAWAN naman ng fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada last Saturday, April 18 at hindi rin sila magkasama dahil sa ipinatutupad na enhanced community quartantine.  Pero hindi nakalimot si Alex na padalhan ng birthday message ang kanyang soon-to-be-husband na si Mikee na itinuturing niyang first and last love.

“Thank you for not demanding anything from me and yet you always give me what I want.  Thank you for making me feel what it really feels to be in a relationship,” bahagi ng message ni Alex para kay Mikee sa kanyang Instagram account.

Alex and Mikee got engaged last December 17, 2019 in 1881 Heritage in Hong Kong sa presence ng parents ni Alex na sina Bonoy at Pinty Gonzaga.  They are to tie to knot this year pero hindi pa nila  sini-share sa publiko ang detalye ng kanilang kasal  dahil na rin  sa ECQ.