All-Out Sundays, magpapa-ulan ng sorpresa ngayong Linggo

August 14, 2020
All-star

SA kabila ng new set up, world-class performances pa rin ang gustong ihandog ng Kapuso stars sa tinatawag nilang Sunday tambayan na All-Out Sundays: The Stay Home Party! 

Bibigyan ng special version ng ‘Four The Win’ ladies na sina Aicelle Santos, Golden Cañedo, Thea Astley at Julie Anne San Jose ang mga awiting tungkol sa ulan. Paiinitin naman ng ‘OGs’ na sina Ken Chan, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Jak Roberto, at Rayver Cruz ang malamig na panahon sa kanilang awitin na ‘Teka Lang.’

Hindi rin daw dapat palampasin ang mga ipamimigay na papremyo ni Alden Richards sa ‘Ayos Panalo Promo’.

May hugot story namang ibabahagi sina Rita Daniela at Ken na bibigyang kulay nina Lexi Gonzales at Kim de Leon. Magbibigay rin si Paolo Contis ng payo kung anong mainam na solusyon sa love problem ng letter sender.  

Sa ‘Ang Drama Mo,’ susubukan namang gayahin nina Martin del Rosario, Betong Sumaya at Buboy Villar ang ilang iconic scenes ni Carmina Villarroel na mismo ring huhusgahan ng aktres.

Ilan pa sa Kapuso stars na makikisaya ngayong Linggo ay sina Christian Bautista, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Cassy at Mavy Legaspi, Jeremiah Tiangco, Shayne Sava, Abdul Raman, Jamir Zabarte, at Kapuso leading ladies na sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Sanya Lopez, at Andrea Torres.

Makisaya ngayong Linggo (‪August 16) sa 'All-Out Sundays: The Stay Home Party,' ‪12:45PM, sa GMA-7 at GMA Network official social media accounts.