Allan na-praning dahil sa Covid 19

July 28, 2020

HINDI ikinakaila ng award-winning actor na si Allan Paule na nakaramdam umano siya ng pagka-praning dahil sa lockdown dala ng Covid-19 at hindi umano niya alam kung ano ang  aasahan.  Nasa bahay lamang umano siya kasama ang kanyang pamilya.  Ang downside, pansamantalang nagsara ang kanilang fast-food franchise business at hindi rin nila alam kung paano magsisimula muli.  Pero sa awa naman ng Diyos ay unti-unti silang nakapag-adjust ng kanyang pamilya at in-embrace ang `new normal’.

Sa pagsisimula niya ng bagong movie project, ang “Mamasapano,”matagal naman niyang hindi makakasama ang kanyang pamilya dahil sa lock-in sa location ng shooting.