Amazing Earth mas pinaaga ang timeslot tuwing Linggo

June 12, 2020
Dingdong Dantes

SIMULA ngayong Linggo (June 14), mas maaga nang mapapanood ang amazing adventures ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa award-winning infotainment program na “Amazing Earth” at 5:25PM bago mag-24 Oras Weekend.

Ngayong Linggo, makakasama ni Dingdong si Kapuso star Shaira Diaz sa Bacolor, Pampanga para subukan ang iba't ibang activities ng agri-tourism. Inamin naman ni Shaira na higit pang lumawak ang kanyang kaalaman sa pangangalaga sa ating kapaligiran dahil dito Kilalanin din ang viral chef na si Jam Melchor at alamin ang kanyang adbokasiya. Papasyalan din ni Dingdong ang simbahan ng Caleruega.