'American Idol' season 18 winner, subway singer

May 19, 2020
Samantha Diaz
Samantha Diaz

PUMASOK lamang sa Top 5 ng “American Idol” Season 18 ang Fil-Am singer and pre-law student na si Francisco Martin sa elimination round ng  grand finals ng  popular American reality singing competition last Sunday, May 17 (Monday, May 18, Manila Time).  Hindi man nakuha ni Francisco ang titulo ay masayang-masaya siya dahil sobra niyang in-enjoy ang kanyang buong journey sa “American Idol” .  He also gained new friends and self-confidence na wala sa kanya noon bago siya sumali sa nasabing singing competition.

Naging kakaiba ang presentation ng Season 18 ng “American Idol” dahil sa Covid-19 pandemic kung saan ipinatutupad ang social distancing at pananatili sa loob ng bahay, naging creative ang mga nasa likod ng programa at naitawid nila ang mga nalalabing episodes up to the grand finals ng “American Idol” remotely nang maayos sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Lahat ng contestants ay nag-perform individually mula sa kanilang respective homes and were given equal technical support and were taped a day earlier except sa live reaction ng mga  judges na sina Katy Perry, Luke Bryan at Lionel Richie maging ang online voting.

It was the very first of its kind kaya ang tinanghal na grand winner, ang 20-year-old na si Just Sam (Samantha Diaz) ay siyang kauna-unahang grand winner sa ganitong  remote set-up.

Ang kuwento ni Just Sam ay maihahalintulad sa isang Cinderella story dahil lumaki siyang kumakanta sa kalye at sa subway  since she was seven years old para kumita ng pera at kumikita siya ng $30 to $100 a day.  She’s from Harlem, New York City.

Naging big fan si Just Sam ng Season 3 grand winner ng “American Idol”  in 2004 na si Fantasia (Barrino) na isa ring black American at ito ang nag-inspire sa kanya para sumali sa “American Idol” Season 18.

Sa umpisa ng competition ay hindi mawala ang nerbiyos kay  Just Sam and there were  times na ito’y nagkukulong sa restroom  at doon umiiyak at doon inilalabas ang kanyang frustration pero sa tulong na rin ng iba niyang mga kasamahan at house  mentor na si Bobby Bones  ay unti-unting lumakas ang kanyang loob which she was able to carry out hanggang sa finale week last Sunday night.

Sa simula pa lamang ng kanyang audition sa “American Idol” kung saan niya inawit ang “Rise Up” ni Andra Day ay ginulat na niya ang tatlong hurado na sina Lionel Richhie, Luke Bryan at Katy Perry maging ang audience at ang  mga televiewers.

Pagkatapos niyang tanghaling grand winner ng “American Idol” Season 18 last Sunday, dito pa lamang magsisimula ang mga pagbabago sa buhay at singing career ni Just Sam.

Samantala, ang 1st runner up ni Sam ay si Arthur Gunn habang ang iba pang pumasok sa Top 5 ay sina Dillon James, Johnny West at Francisco Martin.

Ang 18th season ng “American Idol” ay nagsimula nung February 16, 2020 pero ito’y na-suspend temporarily dahil sa coronavirus pandemic.