American musician Christopher Cross ligtas na sa COVID pero na-paralyze

April 19, 2020
Christopher Cross
Christopher Cross

ISA ang 68-year-old American five-time Grammy and Oscar award-winning singer-songwriter and musician na si Christophder Cross sa mahigit 66,357 na naka-recover sa deadly coronavirus (Covid-19) matapos ang dalawang linggong pagkaka-confine sa pagamutan.  Pero ang malungkot, nagkaroon naman siya ng kumplikasyon sa ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang naging cause ng pagkakaroon ng paralysis ang kanyang legs. Kaya hindi siya ngayon makalakad.

Si Christopher ay kasalukuyang sumasailalim ng therapy.  Ang magandang balita, in-assure siya ng kanyang mga doctor na muli siyang makakalad.

“I want to thank you for your kind words and  to let you know how I am doing,” part ng kanyang mensahe.

“After being sick for weeks, I slowly started to recover.  Unfortunately, as a consequence of Covid 19, other problems were caused.  At present, I am suffering intense muscle weakening and a temporary paralysis of my legs.  I am unable to walk,” dugtong pa niya.

“I will get past this,” paniniguro pa ni Christopher na siyang nagpasikat ng maraming classic hits tulad ng “Think of Laura,” “Sailing,” “Arthur’s Them (The Best That You Can Do)” at marami pang iba.

Kapag tuluyan na siyang makalakad muli at bumalik sa normal ang lahat, balak ni Christopher na idaos ang kanyang ika-40th anniversary concert tour.

Born and raised in San Antonio, Texas, ang kanyang paggaling mula sa Covid-19 ay advance birthday gift sa kanya.  He will be celebrating his 69th birthday on May 3.

Xxxxxxxxx

DAHIL sa 45-day community quarantine, marami sa ating celebrities ay naka-discover  ng kanilang new skills tulad ng cooking and baking, zumba dancing, pagiging musician, gardening habang ang ilan sa kanila ay naging barbero sa  kanilang mga mahal sa buhay tulad ni Marian Rivera sa kanyang mister na si Dingdong Dantes at si Dingdong naman sa kanilang one-year-old son na si Ziggy.

Si Angel Locsin ang gumupit sa kanyang fiancé na si Neil Arce habang si Zanjo Marudo naman ang naggupit sa kanyang ama.

Ang Kapuso young star na si Althea Ablan ang siya namang naggupit sa kanyang tatlong kapatid na lalake.

Samantala, gardening naman ang pinagkakaabalahan nina Teresa Loyzaga, Mylene Dizon, Andi Eigenmann at iba pa habang tinanggap naman ng ex-PBB housemate at Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang challenge na make-up-an ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso na si Carla Abellana.  Since isang visual artist din si Tom, malamang na ito’y pumasa siya sa pagme-make-up sa kanyang kasintahan by imagining na ang  make-up brush ay parang paint brush lamang habang ang iba’t ibang make-up colors and blush ay inihahalintulad niya sa paint medium.