Anak ni John may pabaon sa ama

June 19, 2020
John Prats

DALA ng actor-director and entrepreneur na si John Prats ang isang unan kung saan may personal dedication ang kanyang panganay, ang four-year-old na si Lily Feather as her advance Father’s Day gift  sa kanyang papa na isang buwang mawawala dahil naka-lock-in ang taping nito ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Sobrang na-touch si John sa gesture ng kanyang anak at misis, ang actress na si Isabel Oli (Maria Olivia Daytia Prats).

Dahil sa taping ng “Ang Probinsiyano,” hindi makakasama ni John ang pamilya sa selebrasyon ng Father’s Day.

Ang mag-asawang John at Isabel ay meron nang dalawang anak, sina  Feather at Freedom  at parating naman ang kanilang magiging third baby na isa na namang baby girl.

Umaasa si John na wala siyang taping when Isabel gives birth to their 3rd baby.