Anak ni Pacquiao na si Michael gumagawa  ng pangalan sa music

August 16, 2020
Michael Pacquiao
Michael Pacquiao and younger sister

PROUD ang boxing hero at senador na si Manny Pacquiao sa kanyang second son na si Michael Pacquiao na gumagawa ngayon ng sariling pangalan sa music entertainment business.

Although pangarap ni Michael na maging isang professional basketball player, hindi umano siya makapag-ensayo dahil sa coronavirus (Covid-19) pandemic kaya nag-focus siya sa pagku-compose at pagiging isang singer.

Viral ngayon ang “Hate” song ni Michael na umabot na ng mahigit 9M ang views at nalagpasan ang “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu.

Ayon kay Michael, gusto lamang umano niyang maka-inspire sa mga kabataan katulad niya.

Kung pag-aartista ang focus ngayon ng elder brother niyang si Jimwel, music naman ang kay Michael.

Sina Jimwel at Michael ay may tatlo pang younger siblings – sina Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.