Anak ni Ruffa mag-aaral sa Amerika

July 07, 2019
Lorin Gabriella Gutierrez Bektas
Lorin Gabriella Gutierrez Bektas

PARANG kailan lamang nang isilang ni Ruffa Gutierrez ang kanyang panganay na si Lorin Gabriella Gutierrez Bektas sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

At 15, si Lorin mismo ang nagdesisyon na kumuha ng pre-summer course in one of the top-ranked economics institutes in the world kaya lumipad ito patungong Los Angeles, California, USA with her mom na si Ruffa Gutierez.

Gusto umano ni Lorin na kumuha ng business-related course pagtungtong niya ng college.

Ang dalawang anak ni Ruffa sa kanyang dating mister na si Yilmaz na sina Lorin at Venice ay parehong isinilang sa L.A. making them American citizens.

Hiwalay man ang kanilang parenets, Lorin said in an interview that she and her sister Venice are in touch with their father na may iba nang pamilya ngayon. Si Ruffa naman ay matagal-tagal na rin ang relasyon sa kanyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal.