Andi itinakas ang anak para mag-celebrate

August 17, 2020

ONE-year-old na ang second daughter ng Siargao Island-based actress na si Andi Eigenmann na si Keliana Alohi Alipayo last July 23 at sa Maynila ito sinelebryt ng actress minus the father at present partner ng actress na si Philmar Alipayo na naiwan sa Siargao.  Pero muling nakasama ni Andi ang kanyang panganay na anak (kay Jake Ejercito) na si Ellie and her family.

Walang pinagsisisihan si Andi sa kanyang pagiging `island girl’ dahil choice umano niya ito at ini-enjoy umano niya ang kanilang simpleng buhay doon.

Samantala, ang eldest daughter ni Andi na si Ellie (Adrianna Grabrielle Eigenmann) is turning 9 on November 23.  

Since sa Siargao naka-base si Andi, mas madalas mag-stay si Ellie sa kanyang biological dad na si Jake.