Andi nahihilig sa paggugulay

April 14, 2020
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo

SA gitna ng enhanced community quarantine, gusto ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann at partner na si Philmar Alipayo na maging productive sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas sa kanilang backyard.

Kasama sa mga itinamin nina Andi at Philmar ay ang kamatis, kalabasa, watermelon, pechay, garlic, avocado at iba pa.

Hands-on din ang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang baby daughter na si Lilo na mag-iisang taon na sa July 24.

Andi is co-parenting her 8-year-old  eldest daughter na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) with her ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Samantala, although mas pinaboran na ni Andi ang kanyang pagiging island girl, bukas pa rin umano siya kung merong project para sa kanya.

Ang kanyang huling TV series na sinalihan ay ang “The Greatest Love” (2016-2017) habang nakagawa naman siya ng dalawang indie movies in 2018, ang “The Souls Night” at “The Maid in London”.