Andi nahiwalay sa anak dahil sa lockdown

April 24, 2020
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann and daughter Ellie

AYON sa 29-year-old Siargao-based actress na si Andi Eigenmann, sobra na niyang nami-miss ang kanyang 8-year-old daughter na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) na nasa poder ngayon ng amang si Jake Ejercito.

Dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi nasundo ni Andi ang kanyang panganay para makasama sa Siargao kung saan siya naka-base kasama ang kanyang present partner na si Philmar Alipayo at 9-month-old daughter nilang si Lilo.

Dahil bakasyon na sa school, dapat ay matagal na makakasama ni Andi si Ellie pero hindi ito nangyari dahil sa Covid-19 pandemic.

Isa na ngayong island girl si Andi nang mag-desisyon siyang mamirmihan sa Siargao dahil sa kanyang pagmamahal sa dagat at kalikasan.  Sa nasabing island naman niya nakilala ang kanyang partner ngayon, ang surfing champion na si Philmar Alipayo.  Ang couple ay meron nang isang 9-month-old daughter na si Lilo.

Samantala, dahil sa lockdown, natutong magtanim ng iba’t ibang gulay at fruit-bearing trees sina Andi at Philmar sa kanilang backyard in Siargao.

On June 25 ay 30th birthday ni Andi at umaasa siya na lifted na ang lockdown by then dahil gusto na niyang makasama ang kanyang panganay na si Ellie at mabisita na rin ang kanyang inang si Jaclyn Jose at nakababatang kapatid na si Gwen.