Andre hinikayat si Klea na sumali sa beauty pageant

August 17, 2020
Klea Pineda and Andre Paras

SA isang episode ng ‘Shout Out Andre’, guest ni Andre Paras ang Kapuso actress na si Klea Pineda. Napag-kuwentuhan nila ang tungkol sa goal ni Klea na makasali sa beauty pageants. 

Ayon sa ‘Magkaagaw’ actress, "Ang daming nagsasabi sa'kin before pa na sumali raw ako sa pageants and yeah, gusto ko rin naman siya and nakakakaba siyempre at nakaka-pressure dahil ang dami sa social media na nagbibigay na sila ng year kung kailan ako sasali. Sinasabi nila 2022, 2021 [daw]…"

Hinikayat naman siya ni Andre na ituloy ang pangarap niya, "Kaya! Okay look, para ma-lessen 'yung pressure mo, you're smart, you're tall, you can speak English and Tagalog fluently, you're beautiful, and you're smart."