Andre may iba pang idol bukod sa ama

April 22, 2020
Andre Paras
Andre Paras

AT age 24, aminado si Andre Paras na wala pa rin siyang kasintahan. Pero hindi nito ikinakaila na longtime crush niya ang kapwa Kapuso na si Solenn Heussaff kahit may asawa na ito.

“I find her an amazing woman,” pagtatapat ni Andre nang huli namin itong makausap sa presscon ng “Descendants of the Sun” ng GMA.

Ayon kay Andre, ang mga katangian umano ni Solenn ang hinahanap niya sa isang babae.  Ito marahil ang rason kung bakit wala pa siyang girlfriend  dahil wala pa siyang makitang tulad ni Solenn.

“I’m not in hurry naman,” aniya.  

Although naka-hiwalay na si Andre sa kanyang family, he makes it a point that he  spends time with them sa mga special occasions including Valentines day dahil wala pa siyang girlfriend.

Ayon sa actor-comedian, he is also in constant touch with his mom na si Jackie Forster na narito ngayon sa Pilipinas with her family.

Kakaiba naman ang special bonding ni Andre with her younger sibling na si Kobe Paras.  Kung hindi lamang daw sa lockdown dahil sa Covid-19, malamang na madalas silang magkasama nito on weekends or sa kanilang free time.  Mahilig umano silang mag-malling at mag-shopping. Pero sa kanilang dalawa ay si Kobe umano ang artistic laluna pagdating sa pananamit.

“Actually, si Kobe ang stylist ko,” pagtatapat ni Andre

Although mas focused si Kobe sa kanyang basketball career, umaasa si Andre na sana’y magkaroon umano ng isang proyekto na silang tatlo ng kanilang amang si Benjie Paras ang magkasama.

“That will be great,” aniya.

Sina Andre at Benjie ay nagkasama na sa isang TV series at pelikula.

Hindi rin ikinakaila ni Andre na No. 1 fan umano siya ng kanyang amang si Benjie.

“I was still in grade school ay pinapanood ko na ang dad ko sa paglalaro ng basketball pati na ang kanyang pagiging artista,” kuwento ni Andre.

While he also loves playing basketball, hindi ikinakaila ni Andre na mas napunta ang leaning niya sa comedy acting just like his dad.

Bukod sa ama, ang  isa rin sa kanyang hinahangaan ay ang English actor-comedian at writer  na si Rowan Atkinson na mas kilala as “Mr. Bean”. 

Although nalilinya si Andre sa comedy acting, gusto rin umano niyang sumubok sa stage acting na hindi pa rin niya nagagawa.

Kapag nag-resume na ang TV and movie production, may bago siyang movie na gagawin na may pamagat na “You F Oh,” mula sa panulat at direksiyon ni Jun Lana na pangungunahan ni Christian Bables under Viva Films and IdeaFirst Company.

“It’s another comedy movie,” ani Andre.