Andrea at Derek may sisimulang negosyo

August 06, 2020
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

MAY reunion vlog ang couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres matapos maantala ang kanilang pagkikita dahil sa quarantine. 

Sa vlog ay ipinasilip ng dalawa ang behind-the-scenes footage para sa launch ng kanilang bagong business. Ang produkto na kanilang joint venture ay hi-tech masks equipped with fans na ayon sa kanila ay mas breathable kumpara sa normal masks.

Naisipan daw nila ni Derek na magbenta ng bagay na higit na kailangan ng lahat sa panahon ngayon, "This is actually our first time to shoot since the entire quarantine period so we're kinda excited. Inisip namin, ano ba pwede nating gawing business na you can earn from but at the same time nakakatulong tayo.”