Andrea nagkaroon ng sariling bahay dahil sa ‘KG'

February 02, 2020
Andrea Brillantes

HINDI ikinakaila ng 16-year-old Kapamilya youngstar na si Andrea Brillantes na malaki ang naitulong sa kanyang pamilya ang mahigit isang taon niyang pamamalagi sa top-rating afternoon TV series na “Kadenang Ginto.”Dahil dito, naisakatuparan niya ang pangarap na makapagpatayo ng sariling bahay na matatapos na sa April.

Although napakabata pa ni Andrea, siya ang tumatayong breadwinner sa pamilya.

Since palipat-lipat umano sila ng inuupahang tirahan, itinanim ni Andrea sa kanyang isipan na gusto niyang magkaroon sila ng sariling bahay.

After “Kadenang Ginto,” umaasa ang teen-age star na sana’y magkaroon siya ng follow-up project kaagad dahil kakailanganin naman niyang makapamili ng mga gamit para sa bagong bahay.

“Dalangin ko po sa Diyos na sana’y tuluy-tuloy po ang trabaho ko para sa pamilya ko po,” pahayag niya.

Sa “Kadenang Ginto” naman nabuo ang tambalan nila ng ex-PBB housemate na si Seth Fedelin at nagkaroon umano siya ng new set of friends kina Francine Diaz at Kyle Echarri.

Tulad nina Kathryn Bernardo at Julia Montes, si Andrea ay produkto rin ng now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” kung saan siya nagsimula nung 2010 when she was barely 7 years old.

Kabaliktaran sa kanyang role in “Annaliza” noon, si Andrea na gumanap sa papel na Margaret `Marga” Mondragon Bartolome ay naging kontrabida sa character ni Cassandra `Cassie’ Mondragon na ginampanan naman ni Francine.

“But I’m glad  na nagampanan ko po nang tama ang role ko,” aniya.