Ang buhay ng  mga anak ni Kiko ngayon

June 19, 2020

HINDI na inabutan ng King of Rap na si Francis ‘Kiko’ Magalona ang pag-aasawa ng dalawang anak na sina Maxene at Saab Magalona at pagkakaroon ng mga apo sa huli at mister nitong si Jim Barro na sina Pancho  (2) at almost one-year-old na si Vito na mag-iisang taon sa September 11.

Twins ang unang isinilang ni Saab nung February 2018, sina Pancho Gerardo at Luna Isabel pero ang una lamang ang naka-survive.  Nung September 16, 2019 ay muli silang biniyayaan ng bagong supling, si Vito.

Si Francis M. ay sumakabilang-buhay nung March 6, 2009 at 11 taon na siyang wala.

Samantala, ang mag-asawang Maxene at Rob Mananquil ay inabutan ng lockdown sa Bali, Indonesia kaya hanggang ngayon ay naroon pa rin sila.

Ang yumaong Master Rapper ay may pitong anak sa asawang si Pia Arroyo-Magalona.  Bukod kina Maxene at Saab, ang iba pang mga anak nina Kiko at Pia ay sina Frank, Elmo, Arkin, Nico at Clara. May isang anak si Pia sa una, si Unna Lu.