Ang ’di alam ni Josh Groban tungkol kay Christian Bautista

February 25, 2019
 Josh Groban & Christian Bautista

HINDI makakalimutan nina Lea Salonga at Christian Bautista ang kanilang experience singing a duet with American singer, songwriter, record producer and actor, Josh Groban sa second visit nito sa Pilipinas.

First time bale ni Josh na magtanghal sa isang malaking venue at the MOA Arena nung nakaraang Biyernes, February 22 bilang bahagi ng kanyang “Bridges” tour unlike nung una niyang dating sa Pilipinas 12 years ago na isang exclusive event ang kanyang dinaluhan sponsored ng isang major telco.

Nangako  ang American hitmaker na hindi umano siya maghihintay ng another 12 more years bago muling makabalik at makapagtanghal sa Pilipinas. Natuwa siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Filipino audience at kilalang-kilala rito ang kanyang mga awitin.

Josh did a duet with Christian sa awiting “We Will Meet Once Again” na naging duet nina Josh at ang  award-wining Italian blind singer-composer na si Andrea Bocelli.  Kinanta naman nina Josh at Lea (who came in a wheelchair) ang “All I Ask of You” na duet nina Josh at Kelly Clarkson sa kanyang album na “Stages” at naging theme song ng hit musical na “Phantom of the Opera”.  Ang second duet nila ni Lea ay ang “The Prayer” na original duet nina Celine Dion at Andrea Bocelli.  Ang nasabing awitin ay kinanta nina Celine at Josh (for Bocelli) sa 1998  Grammy Awards na siyang naging launch ng musical career  ni Josh.

Kilala na ni Josh si Lea kaya hindi na siya nagtaka sa husay nito pero nagulat siya kay Christian na first time niyang nakilala at naka-duet.

Unknown to Josh, Christian is a big fan of his.  Nagsimula si Christian sa kanyang professional singing career singing Josh’s hit songs  na nagsimula nang siya’y sumali sa “Star In A Million” singing contest ng ABS-CBN in 2003 kaya siya tinagurian noon as “Josh Groban of the Philippines” sa laki rin ng hawig ng kanilang boses.

Although naka-fourth place lamang si Christian sa “Star In A Million” kung saan si Erik Santos ang tinanghal na grand winner, he was immediately signed up by Warner Music Philippines and came up with his self-titled debut album na naging multi-platinum hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng Asya tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.

The album contains the hit songs “The Way You Look At Me,” “Colour Everywhere” at “Hands to Heaven.” 

“I was introduced to his music when I first started singing professionally.  Tonight I meet the man behind it all,” post ni Christian sa kanyang Instagram account after his duet with Josh, isang experience na tiyak hindi makakalimutan ng mister ni Kat Ramnani.