Ang makulay na buhay ni Alfredo Lim

August 09, 2020
Alfredo S. Lim

IT’S confirmed--COVID-19 din ang naging dahilan ng pagkamatay ng bemedalled former police officer, NBI Director, DILG Secretary, Senator, Manila Mayor  and former radio anchor ng DZMM ng  ABS-CBN na si Alfredo `Fred’ Siojo Lim sa edad na 90.    

Ang tinaguriang `Dirty Harry’ ng Pilipinas ay binawian ng buhay last Saturday, August 8, 2020 although as early as Friday, August 7 ay may kumalat na balita na sumakabilang-buhay na umano ito. 

Napaka-colorful ng buhay ni dating Manila Mayor Fred Lim.  Dalawang beses ding ginawang pelikula ang kanyang buhay.  Una nung 1995 sa pamamagitan ng “Alfredo S. Lim: Batas ng Maynila” na pinagbidahan ng yumaong si Eddie Garcia in 1995.  Ito’y sinundan nung 2013 sa pamamagitan ng “Alfredo S. Lim: The Untold Story” na tinampukan naman ni Cesar Montano.  His wife of 44 years, Amelia Santos-Lim passed away in 1994 but he did not remarry.  Kasama sa kanilang mga anak sina Manny at Christine Lim.

Siya’y ipinanganak sa Emmanuel Community Hospital sa Manuguit, Tondo nung December 21, 1929 to parents of Chinese descent.  At an early age ay nagkahiwalay ang mga magulang ni Fred Lim.  Ang kanyang ama ay bumalik sa hometown nito sa Antique habang ang kanyang ina ay muling nag-asawa nung nasa pre-school si Fred.   Ang batang si Fred ay inilagak ng kanyang ina sa Hospicio de San Jose.

Nung nasa ikatlong grado na si Fred ay kinuha siya ng kanyang maternal grandmother na si Flora Valisno-Siojo.  Nang mamatay ang lola ni Fred ay inalagaan naman siya ng kanyang ninang na si Dolores La’o-Conde.

Si Fred ay nagtapos na salutatorian sa P. Gomez Elementary School.  Nagpalipat-lipat naman siya sa apat ng eskwelahan nung siya’y nasa high school.  Nag-first year high school siya sa Bohol Institute of Technology. The following year ay lumipat siya ng San Beda College sa Maynila, then UST at nagtapos ng high school sa Far Eastern University nung 1948.  In 1951, siya’y nagtapos ng Business Administration  at nung 1963 naman ay Bachelor of Law sa University of the East.  Taong 1981 naman siya nagtapos ng kanyang Master’s degree in National Security Administration with honors sa National Defense College of the Philippines.  Ipinagpatuloy niya ang kanyang doctorate degree in Philosophy in Criminology sa Philippine College of Criminology in 1998.

Taong 1950’s nang magsimulang manilbihan si Fred bilang police at siya ang humuli noon sa naging senador na si Robert Barbers for  illegal possession of fire arms.    

Matapos siyang mag-retire bilang Chief of Police, si Fred ay in-appoint bilang director ng National Bureau of Investigation ng Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino.  Tumulong din doon si Fred na maibalik ang mga government installations na sinakop ng military rebels during the 1987 coup attempt.

Nang maging presidente naman si Joseph `Erap’ Estrada, he appointed Lim as Secretary of  the Department of Interior and Local Government (DILG) which was cut short dahil sa 2nd EDSA revolution at bumaba sa puwesto si Erap.

Nung taong 2001, tumakbo siya sa pagka-mayor ng Maynila pero siya’y natalo ni Lito Atienza.  Muli siyang tumakbo nung 2004 at nanalo at dalawang termino siyang nanilbihang mayor ng Maynila until 2013.  Sa magkasunod na mayoralty elections in 2013 and 2016 ay muli siyang kumandidato sa pagka-alkalde ng Maynila pero dalawang beses siyang tinalo ni dating President at Manila Mayor Erap Estrada.  Muli siyang tumakbo nung 2019 kung saan kandidato sina Mayor Erap at Vice-mayor pa noon na si Isko Moreno na nanilbihang vice-mayor sa kanilang dalawa. Si Isko, as we all know,  ang nanalong mayor.

Hindi man nakabalik si dating Mayor Fred Lim sa pagiging alkalde ng Maynila, naging aktibo naman ito bilang co-anchor sa isang radio public service program sa DZMM ng ABS-CBN, ang “Katapat: Mayor Fred Lim” kung saan niya nakasama si Kaye Dacer.

Samantala,  ilan sa mga prominent political figure na agad nagpaabot ng pakikiramay kay Fred Lim ay sina dating President and Manila Mayor Joseph `Erap’ Estrada, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Sonny Angara, Presidential Spokesperson Harry Roque at marami pang iba.

Mula sa amin dito sa People’s Journal, ang aming taos-pusong pakikiramay.