Ang tunay na panalo sa nakaraang Metro Manila Film Festival

January 14, 2019
Richard Gutierrez,Vice Ganda & Dingdong Dantes

WALANG balak ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Screening Committee ng official ranking at figures ng walong pelikulang  kalahok ng filmfest na nagtapos nung nakaraang January 7, 2019.

Kung meron man umanong nag-leak na figures o ranking ay hindi umano ito nagmula sa filmfest committee.  Ganunpaman, masaya ang pamunuan ng MMFF dahil naabot daw nila ang kanilang target na umabot ng mahigit isang bilyong piso.

Base sa aming nakalap na information, umabot umano ng P560-M ang kinita ng “Fantastica” na pinagbidahan nina Vice Ganda, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na dinirek ni Barry Gonzalez at joint production ng Star Cinema at Viva Films. 

Pero kahit nagtapos na ang MMFF, extended ang showing ng movie at palabas  pa rin ang pelikula  sa marami pang sinehan pero ang additional revenue ng nasabing pelikula on extended run ay hindi na mapapasama sa official figures ng MMFF.  Malamang na humabol ang “Fantastica” sa kinita ng “Gandarrappido:

The Revenger Squad”  na tinampukan din nina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla at siya ring nanguna sa walong entries in 2017 MMFF na kumita ng P571-M  habang ang 2016 non-MMFF movie na pinagbidahan nina Vice Ganda at Coco Martin, ang “Super Parental Guidance” ay kumita ng P598-M.

Ayon pa sa aming source, kumita umano ng almost P300-M ang “Jack Em Popoy” nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza na dinirek ni Mike Tuviera at jointly produced ng M-Zet Productions ni Vic Sotto, CCM Productions ni Coco Martin at APT Entertainment ni  Tony Tuviera na siya ring big boss ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.), producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

Ang pelikula naman ni Anne Curtis na “Aurora” ay kumita umano ng P110-M at malayo naman umano ang figures ng  pang-apat hanggang pang-walong pelikula na kalahok sa MMFF.

Ang mga pelikulang “Fantastica,” “Jack Em Popoy” at “Aurora” ay siyang Top 3 sa 2018 MMFF.

Sa kita pa lamang ng tatlong nasabing pelikula ay umabot na ito ng P860-M plus.  But among the movie producers na kalahok sa MMFF, sobrang panalo ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario dahil co-producer siya ng Top 1 at Top 3 movies.

Sa taong 2019 ay maraming movie projects ang naka-line-up sa bakuran ng Viva Films both solo productions and co-ventures with other producers.