Angel ibabalik bilang ‘Darna’?

April 05, 2019
Angel Locsin
Angel Locsin

BAKANTE na naman ang slot ng gaganap sa title role na “Darna” matapos mag-back out sa nasabing movie project si Liza Soberano dahil sa tinamo nitong bone fracture sa kanyang daliri nung ginagawa pa niya ang huling teleserye nila ng ka-loveteam at BF na si Enrique Gil, ang “Bagani”.  Dahil dito, sumailalim si Liza ng dalawang magkahiwalay na operasyon at ongoing pa rin ang kanyang therapy hanggang ngayon.

Although nakapagsimula nang mag-training si Liza for her role in “Darna,” naisip niya na lalo pang tatagal ang pagsisimula ng pelikula kung hihintayin pa ang paggaling ng kanyang daliri kaya nag-desisyon siyang mag-back out na lamang sa proyekto kahit mabigat sa kanyang loob.

Una nang nag-back out sa “Darna” project ang original choice to star in the movie na si Angel Locsin in October 2015  dahil sa kanyang spine injury.  In May 2017 ay ipinaalam naman sa publiko na si Liza Soberano na ang gaganap sa “Darna”.  Nagkaroon din ng mga pagbabago sa proyekto dahil umatras din ang unang director na magdidirek sana ng pelikula na si Erik Matti at pumalit sa kanya ang writer-director na Jerrold Tarog in October 2018.  

Since kaya na rin lamang ni Angel Locsin ang mga action routines at fight scenes tulad ng kanyang ginagawa at ipinamamalas sa kanyang ongoing action-drama series na “The General’s Daughter,” bakit hindi na lamang ibalik sa kanya ang role?  Another good choice for the role ay sina Anne Curtis at Cristine Reyes na mahusay din sa mga fight scenes at action stunts at kaunting training na lamang ang kailangan.