Angel ipinatigil na ang donasyon para sa UniTENTWeStand.PH

April 15, 2020
Angel Locsin

HALOS P11-M ang nalikom ng actress-philanthropist na si Angel Locsin sa pamamagitan ng kanyang #UniTENTWeStandPH fund-raising campaign kung saan niya katuwang ang kanyang fiancé, ang businessman at movie producer na si Neil Arce,  at ang kanyang mga kaibigan na sina Dimples Romana, Dra. Marev Matic at Gines Sarangaya.

Ang grupong pinangunahan ni Angel ay nakapagpatayo ng isolation tents  in almost 150 hospitals in Metro Manila at mga karatig-lugar na pinangunahan ng Philippine General Hospital at Philippine Lung Center na ginawang referral center ng DOH for coronavirus (Covid 19) diseases.

Isa si Mayor Isko Moreno ng Maynila ang nagpasalamat kay Angel.  Nagpasalamat din ang DOH kay Angel at special mention siya ni DOH Undersecretary Rosario Vergeire sa isang virtual press conference dahil sa kanyang tulong.  Ang iba namang air-conditioned tents  ay ginawang pahingahan nga mga doctors, nurses at iba pang health workers  (frontliners) na hindi na halos nakakauwi sa kanila.

Pero last April 10 ay itinigil na ng grupo ni Angel ang pagpu-provide ng sanitation and misting tents dahil may negatibong epekto umano sa kalusugan ng tao ang pagi-spray ng misting with disinfectants at ito’y ipinatanggal umano alinsunod sa DOH advisory. Ipinatigil na rin ng grupo ang pagtanggap ng donasyon dahil ani Angel, sobra-sobra na ang nalikom nilang pera. (Watch Gene NewsTV through this link: https://www.youtube.com/watch?v=IKX-s6QqMyk&t=118s)

Sa halos lahat  ng natural disasters at krisis na nangyayari sa Pilipinas ay hindi talaga nagpapahuli si Angel sa pagtulong sa kanyang mga kababayan kahit nangangahulugan na rin ito ng pagri-risk sa sarili niyang buhay at kalusugan.