Angel may cryptic message sa Instagram

July 13, 2019
Angel Locsin

MUKHANG may pinatatamaan si Angel Locsin sa kanyang Instagram post last July 12 na: "DON'T RUIN OTHER PEOPLE'S HAPPINESS JUST BECAUSE YOU CAN'T FIND YOUR OWN."

Engaged na si Angel sa kanyang BF, ang movie producer/businessman na si Neil Arce. Dalawang taon na silang nagdi-date matapos makipag-break si Neil sa actress na si Bela Padilla.

Ni-rule out naman na para kay Bela ang post dahil kaibigan niya ito. Maganda rin ang paghihiwalay nina Bela at Neil. Masaya rin si Bela sa takbo ng kanyang career ngayon dahil mataas ang rating ng kanyang show na "Sino ang Maysala? (Mea Culpa)". Nagpahayag na rin siya ng maganda sa dalawa niyang kaibigan.

Idinadawit naman ng iba ang ex-BF na si Luis Manzano na "no comment" lang ang sagot nang tanungin tungkol sa engagement ni Angel kay Neil.

Mukhang masaya rin si Luis sa GF na si Jessy Mendiola.