Angel may sorpresa ang ama at fiance sa birthday

April 23, 2020
Angel Locsin

KAARAWAN ni Angel Locsin ngayon, April 23 and she’s now 35.

Ang future wife ng businessman and film producer na si Neil Arce ay binigyan ng surprise asalto gifts hindi lamang ng kanyang fiancé na si Neil kundi maging ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang ama at fiancé ni Angel ay parehong nagbigay sa kanya ng magkahiwalay na Darna-themed birthday cakes at hindi rin nakalimot sa kanya ang iba pa niyang mga kaibigan including Dimples Romana, Paulo Avelino at iba pa.

Angel is considered a real life  angel to a lot of people na kanyang natulungan.

Noon pa man ay kilala na si Angel sa pagiging matulungin in her own little way.

Thirteen years ago, Angel celebrated her birthday with  GABRIELA Foundation na tumutulong sa mga kababaihan at mga bata at nung April 20, tatlong araw bago ang kanyang kaarawan ay nag-organize si Angel ng gift-giving para sa mga bata ng Payatas in Quezon City kung saan siya namahagi ng mga pagkain, damit at iba pa nilang pangangailangan.

Parati niyang inilalaan ang kanyang kaarawan sa kawanggawa sa halip na ito’y i-celebrate with her family and friends.

Parati ring visible si Angel sa pagtulong kapag may dumarating na iba’t ibang kalamidad  sa bansa na ang pinakabago ay itong coronavirus (Covid-19) pandemic.