Angel, ‘Mrs. Neil Arce’ na sa susunod na birthday

April 24, 2020
Angel Locsin

In fairness, wala kaming nabasang negative comment at lahat pa nga, pumabor sa post ni Angel Locsin na sumusuporta kay Taguig City Mayor Lino Cayetano at sa PNP sa isyung pagpasok ng mga pulis sa Pacific Plaza Building sa BGC dahil hindi sinusunod ang social distancing rule.

Na-report na pinaiimbestigahan ni Mayor Lino ang insidente at may pahayag na rin siya tungkol dito.

Pinost ni Angel ang photo ni Mayor Lino sa interview sa kanya ng ANC at dito nag-comment si Angel:

“I live in BGC and I support the PNP and Mayor Cayetano. Rules are rules. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo at pa-bingo sa kalsada sa pagkumpulan ninyo sa swimming pool porket may common area sa high end condo ninyo. Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”

Sumagot si Mayor Lino ng “@therealangellocsin thank you! Di lang dito pero sa lahat ng tulong nyo sa Taguig frontliners your help means so much to us, mabilis, maaga tumulong thank you bro @neil_arce!!!”

Pinuri ng netizens si Angel sa walang takot na pagpapahayag ng saloobin kahit alam na baka may mag-react. Pero ang nangyari, marami ang pumabor sa kanya at kailangang sumunod lahat, mayaman man o mahirap.

Samantala, sa 35th birthday ni Angel kahapon, April 23, kabilang sa birthday cakes na kanyang natanggap ay ang dalawang Darna cakes na ang isa ay nakasuot ng face mask.

Kung hindi mababago ang plano nina Angel at Neil, sa November 2020 na ang kanilang kasal.

Ibig sabihin, last birthday na ngayon ni Angel na single siya dahil next year, Mrs. Neil Arce na siya.