Angel real-life Darna?

June 21, 2020
Angel Locsin

DAHIL sa magkakasamang  efforts  nina Angel Locsin, Anne Curtis at Dimples Romana ay naging matagumpay ang kanilang “Shop & Share” fundraising campaign which was launched officially last June 1 at nagsimula nang makatulong sa 600  stranded nating mga kababayan for Covid-19 test kits.

Nagpapasalamat sina Angel, Anne at Dimples sa lahat ng celebrities na sumali at nag-donate sa kanilang “Shop & Share” charity event para makapag-provide ng test kits sa mga less fortunate.

Bago ang Shop & Share, nagsimula si Angel and her best friend nasi Dimples Romana  ng #UniTENTweStandPH fundraising campaign kung saansiyanakalikom ng almost  P11-M nanakapag-provide ng isolation and quarantine tents sa mga hospitals hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ilang lugar sa mga probinsiya.

Dahil sa mga tulong initiated by Angel ay tinawag siyang real life Darna ng maraming tao.