Anibersaryo ng 'Eat Bulaga' walang ingay

August 02, 2020

WALANG gaanong fanfare ang  ika-41 anniversary celebration ng longest-running noontime show ng bansa (and throughout the world), ang “Eat Bulaga” last July 30 dahil siguro sa pandemya.

Ang dating Dabarkad at isa sa matagal na naging co-host ng “Eat Bulaga,” ang singer-actress-host na si Julia Clarete (40) ang naging guest judge sa well-followed segment ng programa, ang “Bawal Judgmental” kung saan mga participants ang mga medical workers na naka-survive sa Covid-19.

Julia left the program when she joined her present husband, ang Irish national executive na si Gareth McGeown na na-assign sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Julia ay matagal nang hiwalay sa kanyang unang husband na si Stephen Uy kung kanino siya may isang anak na si Sebastian now 13 years old.