Anjo nag-resign sa EB para labanan ito

August 13, 2020
Anjo Yllana and Alden Richards

KAHIT sa bakuran ng GMA ay marami ring mga programa ang naka-hold dahil sa present situation ng pandemic.

Over at “Eat Bulaga,” hindi lahat ng hosts ay nakakapag-participate sa longest-running noontime show dahil sa rami ng restrictions. Dahil dito, tuluyan nang nagresign ang actor-comedian at TV host na si Anjo Yllana.

Bilang isang pamilyadong tao, mahirap din sa part ni Anjo ang walang trabaho at nagpapasalamat siya at may dumating na offer sa kanya --ang mag-host ng isang noontime program sa Net-25 na may pamagat na “Happy Time”.  Ang Net25 ay pag-aari ng Iglesia ni Cristo (INC).

Mabigat man sa kalooban ni Anjo na iwanan ang programang kanyang kinabilangan ng 21 taon, ang “Eat Bulaga” na itinuring niyang pangalawang pamilya na niya, personal siyang nagpaalam sa mga bosses ng TAPE, Inc. maging sa kanyang mga Dabarkads sa program ana pinangungunahan ni Vic `Bossing’ Sotto.  Nauunawaan naman nila ang naging desisyon ni Anjo.

Sa kabila ng pagpapaalam ni Anjo sa “Eat Bulaga” ay hindi umano mapuputol ang relasyon niya sa mga Dabarkads.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung kailan babalik sa normal ang sitwasyon sa Pilipinas at maging sa buong mundo dahil sa pandemya pero umaasa ang lahat na sana’y magwakas na ito kapag na-diskubre na ang bakuna para sa Covid-19.