Anne hindi na babalik ng ‘It’s Showtime’?

August 24, 2020
Anne Curtis

SA September 2 ay six months old na ang baby ni Anne Curtis at ng kanyang Filipino-French chef-restaurateur husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie na isinilang sa Melbourne, Australia nung March 2, 2020.

It was last December 2019 nang mag-maternity leave si Anne sa kanyang hosting job sa noontime show na “It’s Showtime” pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakabalik sa programa.

Anne and husband Erwan are making the most of their time in Australia taking good care of their baby daughter, Dahlia.

Parehong hands-on parents sina Anne at Erwan sa kanilang first born.

Sa darating na November 12 ay isi-celebrate ng celebrity couple ang kanilang  third wedding anniversary.  Ang mag-asawa ay ikinasal nung November 12, 2017 sa  Queensland, New Zealand after more than 7 years of being in a relationship.