Anne tumutulong sa frontliners kahit nasa Australia

April 04, 2020
Dahlia Amelie
Dahlia Amelie

SA kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ng mag-awang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang larawan ng kanilang baby na si Dahlia Amelie who turned one month old last Thursday, April 2.

Dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi pa makabalik ng Pilipinas ang mag-asawang Anne at Erwan at Baby Dahlia na isinilang sa Melbourne, Australia last March 2.

Habang nasa Australia ay ini-enjoy ng mag-asawa ang hands-on na pag-aalaga sa kanilang first born.  Updated din ang couple sa mga kaganapan sa Pilipinas at aktibo rin si Anne sa pagtulong sa mga frontliner (doctors, nurses and other health workers) na siyang at risk sa paglaban sa coronavirus (Covid-19).

Kahit mahigit tatlong buwan na rin magmula nang humingi ng maternity leave si Anne sa “It’s Showtime,” napaka-visible pa rin niya sa telebisyon dahil sa replays nito at sa kanyang TV commercials.