Anthony, Gerry lilipat na sa DZRH

August 11, 2020
Gerry Baja and Anthony Taberna
Gerry Baja and Anthony Taberna

NAPAG-ALAMAN namin sa dating Kapamilya radio anchor na si Gerry Baja mismo na muli silang magkakasama ng kanyang radio partner of 17 years na si Anthony Taberna sa DZMM ng ABS-CBN. Ito’y mangyayari sa DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) na pag-aari ng FJE Group of Companies ni Fred J. Elizalde.

Ang DZRH ay maituturing na oldest radio network ng Pilipinas na nagsimula nung 1939.

Mabigat man sa loob nina Gerry at Anthony na iwan ang Kapamilya Network na naging tahanan nila ng mahigit 20 taon, dalawa sila sa mga apektado ng pagkakait ng kongreso ng bagong prangkisa sa ABS-CBN nung nakaraang July 10, 2020.

Pero sa kabila ng nangyari, life must go on sa libu-libong mga Kapamilya na nawalan at mawawalan ng trabaho simula sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Sina Gerry at Anthony ay parehong nagsimulang field reporter ng DZMM bago siya naging anchor sa radio. 

Bukod sa radio, si Anthony ay nawalan ng dalawang TV programs sa ABS-CBN, ang daily morning show na “Umagang Kay Ganda” at ang kanyang weekly new magazine TV program na “Kuha Mo”.

Gerry and Anthony had their final airing sa kanilang well-followed na “Dos pos Dos” ng DZMM nung nakaraang July 31, 2020.

Ayon kay Gerry, hinihintay na lamang nila ang kanilang contract signing with their new home studio any day from now.