Anthony at Gerry pumirma na sa DZRH

August 21, 2020
Anthony Taberna at Gerry Baja

SIMULA sa Lunes, August 31, 5 p.m. to 6:30 p.m. ay muling mapapakinggan sa ere ang tambalan ng mga kilalang radio anchors na sina Anthony Taberna at Gerry Baja sa kanilang well-followed program na “Dos por Dos” na umere sa dati nilang tahanan sa DZMM ng ABS-CBN sa loob ng 17 taon.  But this time,  ang “Dos por Dos” ay mapapakinggan at mapapanood na sa DZRH ng Manila Broadcasting Company na pag-aari ni Fred Elizalde ng FJE Group of Companies.

Ang DZRH ay oldest AM radio program sa buongPilipinas and among the Top 3 AM stations ng bansa.

Sina Anthony at Gerry ay lumagda ng kontrata sa DZRH ng MBC last Thursday, August 20, 2020 kasama ang MBC president na si Atty. Jun Nicdao at station manager ng DZRH na si Atty. Reggie Jularbal and witnessed by the respective wives nina Anthony at Gerry na sina Rossel Taberna at Sallie Baja.

Sina Anthony at Gerry ay naging bahagi ng DZMM at ABS-CBN sa loob ng 23 and 25 years, respectively.

Si Anthony ay nagsimula bilang radyo patrol reporter ng DZMM hanggang sa siya’y maging TV Patrol reporter bago nagsimula ang radio tandem nila ni Gerry.  Si Gerry ay nagsimulang writer bago naging radyo patrol reporter.

Anthony went on bilang TV personality nang siya’y maging isa sa main hosts ng “Umagang Kay Ganda” at naging host ng sarili niyang public service program tulad ng “Tapatan ni Tunying” at “Kuha Mo?” at iba pang programa  ng ABS-CBN.

Bukod sa kanyang pagiging isang kilala bilang broadcast journalist, si Anthony ay isa ring matagumpay na entrepreneur along with his beautiful and talented entrepreneur wife na si Rossel.   The couple has two lovely children – sina Zoey (12) at Helga (11).  The couple own and operate several branches of Ka Tunying’s Café and Restaurant.