Anthony Taberna at Gerry Baja lilipat na sa TV5?

August 05, 2020

TULUYAN nang nagpaalam sa DZMM ng ABS-CBN ang “Dos por Dos” tandem ng seasoned broadcast journalists na sina Anthony Taberna at Gerry Baja na 23 years namayagpag sa ere.  

Ang dalawang broadcasters ay huling napakinggan nung July 31, 2020 nang sila’y official na mag-sign off.  

May solo radio program din sa DZMM si Gerry sa umaga habang si Anthony ay huling napanood sa daily morning program ng Kapamilya Network, ang “Umagang Kay Ganda”.

Bukod sa radio, dalawang TV programs ni Anthony ang nawala, ang “Umagang Kay Ganda” at “Kuha Mo?”.

Wala mang balak umalis ng mag-kumbachero na sina Anthony at Gerry sa Kapamilya Network na kumupkop sa kanila ng mahigit dalawang dekada, wala naman silang magagawa kundi ang maghanap din ng ibang mapapaglikuran to support their families.  May lumulutang na balita na malamang daw na lumipat ang dalawa sa TV5 which is reviving and re-energizing its programming ngayong wala na sa free broadcast ang giant media network, ang ABS-CBN.

Marami ring talents ng ABS-CBN ang magiging visible sa mga bagong programang binubuo ng TV5 of Kapatid Network.