Antonio nagsalita tungkol sa loyalty

August 16, 2020
Antonio Aquitania
Antonio Aquitania

ISA sa original cast members ng Kapuso comedy gag show na ‘Bubble Gang’ si Antonio Aquitania.

Sa recent episode ng ‘Just In’, ibinahagi niya sa host at kaibigang si Paolo Contis kung bakit siya loyal sa programa at sa GMA Network. 

Aniya, "'Yung loyalty, Pao, nandoon e. 'Yung nagsimula ako doon sinabi ko kailangan hindi ako aalis.”

Dagdag niya, napamahal na siya sa show at sa Network, "Well may mga chance naman, pero alam mo 'yun mahal mo e. Mahal mo 'yung show. 'Yung GMA naman hindi naman ako pinabayaan, alam mo 'yun. Meron laging soap, meron silang ibang ibinibigay. 'Yun na 'yung pinakabasehan ko na bakit ako aalis or 'di ba kahit nagkaroon ng offer sa iba. Stay ka nalang kasi mahalin mo kung ano meron diyan."