Apat na Kapuso hunks maglalaban sa 'Quiz Beh!'

May 28, 2020
Betong Sumaya
Betong Sumaya

SIMULA ngayong Biyernes, May 29, mapapanood na ang pinakabagong online game show na susubok sa talas ng isip ng inyong paboritong Kapuso stars! Hosted by Betong Sumaya, makakasama natin ang inyong paboritong Kapuso artists online na makikisaya at maglalaro ng word guessing game.

Ngayong Biyernes, makakasama ni Betong ang Kapuso hunks na sina Jak Roberto, Nikki Co, Sef Cadayona at Addy Raj. Sino kaya sa kanila ang mananalo?

Ang Quiz Beh ay mapapanood simula ngayong Biyernes, May 29, 3:00 p.m. sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center Youtube Channel.