Apl de Ap may inspiring story

June 16, 2020
APL.de.ap

APL.de.ap (ng Grammy award-winning hip-hop group na Black Eyed Peas) is Allan Pineda Lindo in real life, isang Filipino-American.  His mother Cristina Pineda is a Filipina habang ang kanyang ama ay isang African-American airman nanaka-statation dati sa Clark Air Base in Pampanga. Pero pagkasilang sa kanya ay iniwan sila ng kanyang ama.  Muling nagkaroon ng ibang partner ang kanyang ina at nagkaroon siya ng anim na young half-siblings at dalawa sa mga ito ay punamaw na, ang brother niyang si Arnel ay nag-commit ng suicide habang ang kanyang youngest brother na si Joven Pineda Deala ay pinataynung February 2009 saedadna 22 saPorac, Pamanga.

As a young boy, natutunan ni Allan ang farming habang isinisingit niya ang pag-aaral in elementary.  Siya rin ang katuwang ng kanyang ina bilang isang single mom.  At that time ay may diperensya pa ang paningin ni Allan at na-diagnose ng nystagmus (involuntary movement of the eyes).

Sa tulong ng The Pear S. Buck Foundation , isang organisasyon na tumutulong sa mga young abandoned or orphaned American children, nahanapan nila si Allan ng American sponsor sa pamamagitan ng lawyer na si Joe Ben Hudgens who brought him to the US para ipagamot ang kanyang mga mata.  He was 14 then.

Nang makaratingsi Allan sa Anaheim, California, nag-desisyon ang teener na mamalagi na sa Amerika at kasunod na rito ang pag-adopt sa kanya ng pamilya Hudgens at doon unti-unting nabago ang kanyang buhay.  Nag-aral siya ng high school sa John Marshalls High School.  Doon na rin unti-unting lumutang kanyang talent in singing at rapping.

Allan’s early music influences include Stevie Wonder, Beatles, The Eagles at iba pa. He admits that he was introduced sa hip-hop sa pamamagitan ng break-dancing since he was a young boy.

Dahil sa kanyang kapansanan sa mata, he was considered legally blind (both eyes) and in 2012, siya’y sumailalim ng eye operation under Beverly Hills eye surgeon na si Dr. Brian Broxer Wachler.  Nilagyan siya ng artificial lenses.

Ang international prominence ni Allan or apl.de.ap ay dumating nang siya’y maging miyembro ng Black Eyed Peas but went solo in 2012 although nakakasama pa rin niya ang dating grupo sa mga special concerts and events at isa narito ang closing ceremony ng 2019 South East Asian Games na ginanap sa Pilipinas.  Si Apl.de.ap ay parehong kasama sa opening at closing ceremony ng nasabing major sports events.

Taong 2014 nang kanyang buksan at simulan ang sarili niyang record label ang BMBX Entertainment na nagdi-discover ng talents from South East Asia including the Philippines na bibigyan niya ng Western-style production sa pakikipag-collaborate with American musicians in Los Angeles, California.  Ang kanyang roster of talents include The Voice Philippines Season 1 semi-finalist na si Jessica Reynoso, Slapshock at Kevin Lester at iba pa.

Kilala rin si Apl.de.ap sa kanyang mga advocacy and charity works sa Pilipinas at kanyang itinatag na sariling foundation, ang Apl Foundation.

Si Apl.de.ap ay isa sa apat na original coaches ng The Voice Philippines na kinabibilangan din nina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo.

As to his lovelife, hindi nito ikinakaila na matagal na niyang crush si KC Concepcion.