Arci matagal nang walang BF

August 15, 2020
Arci Munoz and Gerald Anderson

DALAWANG beses nang nagtambal sa pelikula sina Gerald Anderson at ang sexy singer-actress na si Arci Munoz sa hit movies na “Always Be My Maybe” nung 2016 at “Can We Still Be Friends” in 2017 both under Star Cinema.  Ang dalawa ay muling nagtambal sa kanilang kauna-unahang virtual digital film na pinamagatang “Love Unlock” which was shown sa Kapamilya Channel last Saturday evening.

Aminado ang singer-actress na hindi naging madali ang nasabing proyekto dahil hindi sila face-to-face ni Gerald kundi nasa magkahiwalay silang kuwarto sa kanilang respective houses  lamang gamit ang kanilang phone camera at available lights.

Parehong loveless at single ngayon sina Gerald at Arci. 

Naging controversial nung isang taon ang break-up nina Gerald at Bea Alonzo.   Nung isang taon din nagkahiwalay sina Arci at ang businessman ex-boyfriend niya (maging ng actress na si Erich Gonzalez) na si Anthony Ng. Magmula noon ay wala pa siyang ibang naka-relasyon.

Naging kasintahan din noon ni Arci ang frontman ng Mr. Bones and the Boneyard Circus Band na si Badi del Rosario maging ang isa sa mga miyembro ng Itchyworms Band na si Kelvin Yu.

Inamin ni Arci na ito umano ang pinakamatagal na wala siyang karelasyon.