Arjo 'di na dapat tinatanong tungkol kay Maine

April 24, 2019
Arjo Atayde and Maine Mendoza

NAMATAAN sina Arjo Atayde at Maine Mendoza nitong nakaraang Holy Week sa Bali, Indonesia kasama ang ilang kaibigan.

Hanggang ngayon, exclusively dating pa rin ang tag ng dalawa.

Kahit muntik madulas, ayaw pa ring aminin ni Arjo ang kanilang tunay na relasyon nang tanungin tungkol dito sa thanksgiving party for the press bago ang Holy Week kasama ang inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Ria Atayde sa Lazat Restaurant.

Hindi na rin siya napilit ng press si Arjo lalo na nang manalo ang ilan sa kanila ng malalaking cash prizes, cellphone at iPads sa pa-raffle ng pamilya Atayde.

Pero bakit nga naman kailangang pilitin pa eh kitang-kita naman na may relasyon na ang dalawa?