Arjo ‘hinahanting' ang bashers dahil kay Maine

January 25, 2019
Arjo Atayde and Maine Mendoza
Arjo Atayde and Maine Mendoza

IBA-IBA ang reaksyon sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa pagiging honest nito na “exclusively dating” sila ngayon ng ka-loveteam ni Alden Richards at isa sa Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Maine Mendoza.  At hindi ito ikinatuwa ng AdDub Nation dahil mas gusto pa rin nila si Alden para kay Maine.

Kaya lang pati ang pamilya niya at si Maine ay nadadamay na sa bashing at ito’y hindi niya ipinagkikibit-balikat lamang.  Gumagawa na umano siya ng paraan para ma-track down ang mga namba-bash na plano umano niya sampahan ng demanda.

Nagtataka lamang si Arjo kung bakit hindi masaya ang ibang tao para sa kanila ni Maine kahit wala naman silang ginagawang masama at walang sinasagasaang ibang tao.  

Samantala, bahagi  si Arjo ng isa na namang major action-drama TV series, ang bagong simulang “The General’s Daughter” na binubuo ng isang powerhouse cast sa pangunguna ni Angel Locsin.  Lumutang nang husto ang husay ni Arjo bilang actor ng maging bahagi siya ng long-running action-drama na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.  Nagbida na rin siya sa “Hanggang Saan” na pinagsamahan nila ng kanyang inang si Sylvia Sanchez kung saan niya minana ang husay sa pag-arte.