Arjo, pinanindigan si Maine

January 24, 2019
Maine Mendoza at Arjo Atayde
Arjo Atayde & Maine Mendoza

Habang isinasagawa ang mediacon ng Bato: The General Ronald dela Rosa Story kahapon sa Valencia Events Place ay kumalat ang balitang binawi ni Arjo Atayde ang sinabi niyang “exclusively dating” sila ni Maine Mendoza pagkatapos ng presscon ng ’Tol.

Ayon sa balita, na-interview si Arjo ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda kahapon ng umaga at pinabulaanan niya ang naunang panayam sa entertainment press.

Kaya habang sinusulat namin ang balitang ito ay dumami lalo ang bashers ng aktor.

Tinext namin si Arjo kung totoong binawi niya ang mga sinabi, “Imbento ’yan, hahaha,” sagot niya.

Nainterbyu ba siya ni Ka Tunying kahapon ng umaga? tanong namin.

“Hindi po, tita, nasa bahay lang ako, medyo maysakit,” mensahe sa amin.

Sabi namin kay Arjo, “Grabe ang mga balita, kung anu-ano na lang.”

Dagdag ni Arjo, “Hahaha! Patawa sila (bashers).  Mamaya date kami, anong bawi? Hahaha!”

Hayan, sa mga gumagawa ng isyu, maliwanag pa sa sikat ng araw na walang binawi si Arjo.

Higit sa lahat, may isang salita ang aktor.

Anyway, gusto naming iklaro ang tsikang ginagamit ni Arjo si Maine dahil dumami raw ang projects ng aktor nang maugnay ang dalawa sa isa’t isa.

Ang The General’s Daughter ay second quarter of 2018 pa sinimulan ang pre-prod. Kasama na si Arjo noon.  

Kailan ba nagkakilala ang dalawa? Bandang Setyembre na at hindi totoong sa shooting ng Jack Em Popoy:  The Puliscredibles sila unang nagkita.

For the record, nauna silang nagkakilala sa launching ng MAC cosmetics na si Maine ang endorser at imbitado ng marketing ang aktor kasama ang kapatid na si Ria Atayde.

Para sa kaalaman ng lahat, August o September pa pumirma ng three-movie contract ang aktor sa Viva Films, sumunod ang Regal Entertainment para sa tatlong pelikula rin at ang Buy Bust ay Pebrero naman sinyut ni Arjo for Reality Films.

Kung hindi kami nagkakamali, sumabay doon ang ’Tol nila nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Jessy Mendiola na palabas na sa Enero 30 mula sa direksyon ni Miko Livelo.

Ang tanong... saan at paano ginamit ni Arjo si Maine?