Arnell may bagong kontrata, radio show

March 14, 2020

ANG singer-comedian-host,  actor  at dating appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang  Deputy Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio ang pinakabagong contract talent ng Viva Artists Agency (VAA).

Si Arnell ay lumagda ng kontrata  sa VAA last Thursday, March 12, kasama ang pangulo ng VAA na si Veronique del Rosario-Corpus.

Bago lumagda sa Viva, si Arnel ay kamakailan lamang nagsimula ng kanyang bagong radio program sa DZMM, ang “Labor of Love” kung saan niya kasama ang isa sa mga resident anchors ng nasabing radio program na si Rica Lazo.

During the contract signing, inamin ni Arnel na muli siyang pinababalik sa OWWA matapos siyang mag-resign sa kanyang posisyon in February last year dahil nani-neglect niya ang kanyang pamilya maging ang kanyang showbiz career.  Ito’y masusing pinag-aaralan ngayon ni Arnell kung babalik pa siya sa kanyang government post o magku-concentrate na lamang sa kanyang showbiz career at negosyo.