Arnell naging emosyonal sa pagri-resign

February 28, 2019
Arnell Ignacio
Arnell Ignacio

HUMARAP sa entertainment media last Wednesday (Feb. 27) afternoon ang singer-comedian-host at dating Assistant Vice-President for Community Relations and Services ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)  and former Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio na may kinalaman sa kanyang pagbibitiw sa kanyang government post recently which he submitted to his immediate superior na si Sec. Silvestre Bello III ng Dept. of Labor and Employment.  He was a personal appointee by Pres. Rodrigo `Digong’ Duterte.

Naging emotional si Arnell dahil sobra niyang minahal ang kanyang dating trabaho sa OWWA pero mabigat man ang kanyang loob na iwan ito ay kailangan niyang gawin dahil ang kanyang pamilya naman ang kanyang napapabayaan.  Aminado rin siya that he also sacrificed his showbiz career since 2016  para buong puso niyang magampanan ang kanyang pagiging isang public servant, not him knowing na hindi na lamang ang kanyang pamilya ang kanyang nasasakripisyo kundi maging ang kanyang karera sa entertainment industry which he started in the mid-90’s.

“In my almost three years in public service, marami akong natutunan at doon ko rin nakita kung gaano ka-dedicated ang mga taong nagta-trabaho sa gobyerno  at marami rin sa kanila ay hirap pa rin sa buhay hanggang ngayon,” pahayag ni Arnel.

“As Deputy Administrator ng OWWA, parati akong nagta-travel  sa iba’t ibang lugar para matulungan ang iba’t ibang  concerns ng ating mga kababayang OFWs and I love it because it touches people at doon ko rin  personal na nasaksihan ang mga problema at pinagdadaanan ng marami sa kanila.  It breaks my heart,” patuloy ni Arnell.

“I resigned from my post at OWWA not because hindi ko kayang gampanan ang aking tungkulin and I loved what I was doing but it was already taking a toll sa aking pamilya.  My dad has a 4th stage (prostate) cancer and I can’t even be with him while I left my business to my (only) daughter, Sofia dahil ang oras ko ay kulang pa sa aking trabaho,” pagtatapat ni Arnell.

“Since I took the government post, I have to admit na isinakripisyo ko rin ang  aking career - singing, hosting and my job as a comedian dahil hindi ko puwedeng pagsabayin.  I turned down (almost) all the offers including my guesting on “Ang Probinsyano”.  Alam ko, halos lahat ng artista gustong mag-guest sa “Ang Probinsyano” pero heto ako tumanggi not because hindi ko gusto kundi may conflict sa schedule ko,” paliwanag pa niya.

“Sana this time kunin nila ako,” nakangiting pahayag ni Arnell.

“Libre na akong tumanggap ngayon ng trabaho (sa showbiz),” aniya.

Arnell wants to spend more time with his ailing dad at gusto niyang maging active muli sa kanyang showbiz career.

“Gusto kong pasalamatan si Pres. (Rodrigo) Duterte sa tiwalang ibinigay niya sa akin na sinuklian ko na naman ng tapat na serbisyo,” ani Arnell.

“Mami-miss ko lahat ng mga taong nakatrabaho at nakahalubilo ko (sa PAGCOR at sa OWWA) at ang mga taong nakilala ko in the course of my job,” this time ay hindi na napigilan ni Arnell ang maging emotional and he broke down.

Samantala, given the chance, gusto pa rin ni Arnel na maglingkod sa pamahalaan but on a consultancy basis na lamang para naman maipagpatuloy naman niya ang kanyang showbiz career at negosyo nang makatulong sa kanyang pamilya lalung-lalo na ang pagpapagamot ng kanyang ama.  Sumusuporta rin siya sa Juan Movement partylist dahil iisa umano ang kanilang goal, ang makatulong at makapaglingkod sa bayan nang walang hinihinging kapalit.