Arnold Clavio sinuportahan ng netizens

April 15, 2020
Arnold Clavio
Arnold Clavio

MARAMI ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa GMA News Pillar na si Arnold Clavio sa matapang nitong pagharap sa mga kumwestiyon sa kanya kaugnay ng kanyang post sa social media account last weekend. Ibinahagi ni Igan sa kanyang post ang mga hinaing ng ilang frontliners na kanyang natanggap na mabilis pinag-usapan online. Ayon nga sa netizens, ang beterano at isang award-winning na broadcast journalist na tulad ni Igan ay hindi itataya ang kanyang kredibilidad at pangalan upang magpakalat ng takot at di pagkakaintindihan. Ninais pa nga raw ni Igan na mabigyan ng linaw ang nakuha niyang mga impormasyon. Ang sagot naman ni Igan, “Hindi kredibilidad ang nakataya dito ngunit ang buhay ng mga frontliner na humingi ng tulong sa akin para mailabas ang katotohanan at maligtas ang maraming Pilipino.”

Lalong bumilib ang netizens kay Igan dahil hindi siya natinag at sa halip ay lalong nanindigan sa kanyang ginawa. Marami ring frontliners ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa ginawang ito ni Igan dahil nabigyang-pansin kaagad ang kanilang problema.