Arra seryoso sa baking, gustong magtayo ng cafe

August 11, 2020
Arra San Agustin
Arra San Agustin

SA recent Kapuso Brigade ZOOMustahan, naikuwento ni Arra San Agustin na naging busy siya sa pagbe-bake ngayong naka-quarantine kaya naisipan niyang mag-enroll sa isang baking school. 

Aniya, “Ang dami kong gusto i-try pero since I'm confined at home, isa na siguro dun ang baking. I love baking now. I fell in love with it. Nag-enroll din ako sa baking school and it will run for 24 days on a weekend.”

Dagdag ng ‘Taste MNL’ host, plano rin niya ang magtayo ng isang food business kapag natapos na niya ang kinuhang kurso, “Pagkatapos ng class ko, 'pag naging chef na ako, gusto ko muna siya i-practice. Then after that, I'll probably start with online kasi 'yun 'yung easiest way to get into business. Of course, gusto ko magkaroon ng sarili kong cafe and bakery."