Assunta girl ang magiging unang baby

August 04, 2020
Assunta de Rossi and  Jules Ledesma

BABY girl ang magiging unang supling ng mag-asawang Assunta de Rossi at ang sugar baron at dating politician na si Jules Ledesma, 22 years her senior.  

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Assunta ay magiging first baby nila ni Jules sa loob ng mahigit  16 na taon matapos silang ikasal nung March 14, 2004.

Si Assunta ay stepmom ng dalawang anak ni Jules sa kanyang nasirang unang misis.

Six months na ang ipinagbubuntis ngayon ng actress na nakatakdang magsilang sometime in November this year.

Excited siyempre ang nakababatang kapatid ni Assunta na si Alessandra de Rossi na magkakaroon na rin ng unang pamangkin.