Ate Gay nagtitinda ng siomai

July 26, 2020
Ate Gay

SARADO na ang maraming comedy bars sa bansa dahil sa lockdown dahil sa pandemya kaya maraming stand-up comedians and impersonators na nawalan ng pagkakakitaan, kasama na rito ang 48-year-old na si Ate Gay (Gil Morales in real life).

Sa halip na magreklamo at magkulong lamang sa loob ng bahay, nag-isip si Ate Gay ng ibang paraan ng  pagkakakitaan at kanyang itinayo ang sarili niyang food cart business sa Tondo, Manila, kung saan ay nagbebenta siya ng iba’t ibang pagkain tulad ng siomai, fried rice, pansit at iba pa na siya mismo ang nagluluto.  Ito’y kanyang sinimulan kamakailan lamang at siyang nakakatulong sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Si Ate Gay ay ang kauna-unahang comedian at impersonator na nakapuno ng SM MOA Arena sa kanyang sold-out concert nung November 2012 na pinamagatang “Ako Naman…Ate Gay sa Arena”.